Tagalog (John and James) Bible

John 12

John

Return to Index

Chapter 13

1

 

  Noon ay nalalapit na ang kapistahan ng Paglagpas. Alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay sumapit na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutan, inibig niya sila hanggang sa wakas. 

 

 


2

 

  Ang hapunan ay tapos na. Nailagay na nga ng diyablo sa puso ni Judas na ipagkanulo si Jesus. Si Judas ay taga-Keriot na anak ni Simon. 

 

 


3

 

  Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos. 

 

 


4

 

  Kaya nga siya ay tumindig mula sa paghahapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan. Siya ay kumuha ng tuwalya at binigkisan ang kaniyang sarili. 

 

 


4

 

  Kung saan ako pupunta ay alam ninyo. Alam na ninyo ang daan. Si Jesus ang Daan Patungo sa Ama 

 

 


5

 

  Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana. Sinimulan niyang hugasan ang mga paa ng mga alagad. Pinunasan niya ang kanilang mga paa ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya. 

 

 


5

 

  Sinabi sa kaniya ni Tomas: Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta. Paano namin malalaman ang daan? 

 

 


6

 

  Lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa? 

 

 


7

 

  Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya: Ang aking ginagawa ay hindi mo nababatid sa ngayon, ngunit mauuna-waan mo rin ito pagkatapos. 

 

 


8

 

  Sinabi ni Pedro sa kaniya: Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa. Tinugon siya ni Jesus: Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin. 

 

 


9

 

  Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi pati ang aking mga kamay at ulo. 

 

 


10

 

  Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang taong napaliguan na ay ang paa na lang ang kailangang hugasan. Siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malilinis na bagamat hindi lahat. 

 

 


11

 

  Alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya. Ito ang dahilan kaya niya sinabing, hindi kayong lahat ay malilinis. 

 

 


12

 

  Pagkahugas niya ng kanilang mga paa at makapagsuot ng kaniyang damit ay muli siyang naupo. Kaya sinabi niya sa kanila: Naunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 

 

 


13

 

  Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga. 

 

 


14

 

  Yamang ako nga na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong maghugasan ng mga paa ng isa`t isa. 

 

 


15

 

  Binigyan ko kayo ng halimbawa na dapat din ninyong gawin tulad ng ginawa ko sa inyo. 

 

 


16

 

  Totoong-totoo ang sinasabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa kaniyang panginoon. Ang sinugo ay hindi rin higit na dakila kaysa nagsugo sa kaniya. 

 

 


17

 

  Ngayong alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito. 

 

 


18

 

  Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang aking mga hinirang. Dapat matupad ang kasulatan: Ang kumakain ng tinapay na kasama ko ang siyang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. 

 

 


19

 

  Ngayon ay sinasabi ko na sa inyo bago pa ito dumating. Kung mangyayari na ito ay maaaring sasampalataya kayo na ako na nga iyon. 

 

 


20

 

  Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, ang tumatanggap sa sinumang susuguin ko ay tumatanggap sa akin. Ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 

 

 


21

 

  Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ay magkakanulo sa akin. 

 

 


22

 

  Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa`t isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy niya. 

 

 


23

 

  Mayroon ngang nakahilig sa piling ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad. Siya ang minamahal ni Jesus. 

 

 


24

 

  Si Simon Pedro nga ay naghudyat sa kaniya na tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang tinutukoy. 

 

 


25

 

  Sa paghilig niya sa dibdib ni Jesus sinabi niya: Panginoon, sino siya? 

 

 


26

 

  Sumagot si Jesus: Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw. Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon. 

 

 


27

 

  Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satanas. Sinabi nga ni Jesus sa kaniya: Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad. 

 

 


28

 

  Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya. 

 

 


29

 

  Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inisip ng ilan na sinabi sa kaniya ni Jesus na bumili siya ng kakailanganin, o kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa mga dukha. 

 

 


30

 

  Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na. 

 

 


31

 

  Kaya nga nang makaalis na si Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. Ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. 

 

 


32

 

  Kung ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang sarili. Siya ay luluwalhatiin kaagad. 

 

 


33

 

  Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang. Hahanapin ninyo ako. Sinabi ko sa mgaJudio: Hindi kayo makapupunta sa aking pupuntahan. Sinasabi ko rin ito sa inyo. 

 

 


34

 

  Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayon din naman kayo mag-ibigan sa isa`t isa. 

 

 


35

 

  Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung kayo ay umiibig sa isa`t isa. 

 

 


36

 

  Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, saan ka pupunta? Sinagot siya ni Jesus: Sa pupuntahan ko ay hindi ka makasusunod sa ngayon, susunod ka sa akin pagkatapos. 

 

 


37

 

  Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo sa ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan. 

 

 


38

 

  Sinagot siya ni Jesus: Iaalay mo ba ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang tandang hanggang sa ipagkaila mo ako nang tatlong ulit. 

 

 


John 14

 

 

 

 

HTMLBible Software - Public Domain Software by johnhurt.com

 


Other Items are Available At These Sites: